LTO official todas sa ambus
June 10, 2004 | 12:00am
BATANGAS CITY Mukhang naging inutil at hindi mapigilan ng kapulisan ang sunud-sunod na karahasan nagaganap sa buong kapuluan matapos na isa na namang pananambang ang naganap sa mismong harapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Batangas City na ikinasawi ng hepe ng Flying Squad kahapon ng umaga.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Regional Provincial Hospital ang biktimang si Honorio "Henry" Adelantar, 64, LTO Flying Squad chief sa Batangas Region 4 Office at residente ang Barangay Dalipid East, Alitagtag, Batangas.
Sa paunang imbestigasyon, bandang alas-7:30 ng umaga nang lapitan ng apat na armadong lalaki ang biktima habang papasok ng opisina ng LTO Law Enforcer Division Office sa nasabing lungsod.
"Basta nung makitang dumating na si Adelantar at papasok na doon sa compound ng LTO ay agad na nilapitan ng mga killer at walang sabi-sabing inupakan ng sunud-sunod na putok ng baril," anang testigo.
Base sa ulat, si Adelantar ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa sikmura at isa sa dibdib na ikinasawi nito habang nilalapatan ng lunas sa nabanggit na ospital dakong alas-9:46 ng umaga.
Napag-alamang si Adelantar ay malapit ng magretiro sa kanyang serbisyo kaya ilang anggulo ang sinisilip ng mga awtoridad hinggil sa motibo ng krimen. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest