^

Probinsiya

Trader na kinidnap hinihingian ng P3-M ransom

-
CAMP CRAME – Isang negosyanteng matandang babae ang kinidnap ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng kidnap-for-ransom gang sa Barangay San Pedro, Mallig, Isabela kamakalawa.

Ang biktima na dinukot dakong alas-5:10 ng umaga ay nakilalang si Lorenza Verjanilla ng Barangay Casili, Mallig, Isabela.

Batay sa ulat ng pulisya, hinarang ang nagmomotorsiklong biktima ng tatlong lalaki na lulan ng kulay asul na van na walang plaka habang ang matanda ay patungo sa pag-aaring palayan.

Bandang alas-9 ng umaga nang kumontak ang mga kidnaper sa pamilya ng biktima at humihingi ng P4 milyon ransom kapalit ng kalayaan nito.

Hindi naman agad nakasagot ang pamilya ng biktima sa tinuran ng mga kidnaper sa hindi nabatid na dahilan. Muling tumawag ang mga kidnaper dakong alas-2 ng hapon at naibaba sa P3-milyon ang ransom.

Nagsagawa na ng follow-up operations ang mga tauhan ng 2nd Police Mobile Group, Isabela Provincial Police Office, Mallig police station at Regional Security Operations Group upang masakote ang mga kidnaper. (Ulat ni Joy Cantos)

BANDANG

BARANGAY CASILI

BARANGAY SAN PEDRO

ISABELA

ISABELA PROVINCIAL POLICE OFFICE

JOY CANTOS

LORENZA VERJANILLA

MALLIG

POLICE MOBILE GROUP

REGIONAL SECURITY OPERATIONS GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with