^

Probinsiya

3 preso nalason sa kontaminadong tubig

-
BALANGA CITY, Bataan – May posibilidad na kontaminadong inuming tubig ang ikinamatay ng tatlong preso mula sa provincial jail, habang pito naman ang ginagamot sa ospital sa nasabing lungsod.

Kabilang sa kumpirmadong namatay sa Bataan General Hospital ay nakilalang sina: Bobby Bautista, Ernesto Forbes at Norberto Ramos na pawang may kasong droga at nakaranas ng matinding sakit sa tiyan at pagsusuka sanhi ng amoebiasis.

Lima pang preso na kasalukuyang ginagamot sa nasabing ospital dahil sa matinding sakit sa tiyan at pagsusuka ay sina: Flor Paje, Michle Rodillas, Marck Razon, Oman Omar, Australiano; Benedicto Trajano

Mabilis namang inatasan kahapon ni Congressman Antonino Roman Jr. ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa 1st Distrito, ang Department of Public Work and Highways (DPWH) na gumawa ng panibagong plano para sa pagpapagawa ng waterworks system sa provincial jail.

Nakaabot sa kaalaman ni Roman ang insidente matapos na magdiwang ng kanyang ika-65 kaarawan sa loob ng nasabing piitan na ipinaabot ni Severino Lacson, provincial jail consultant.

Napag-laman pa sa ulat, na aabot sa 456 preso ang kasalukuyang nakakulong sa provincial jail na inuming tubig ay katabi ng septic tank at posibleng nabutas ang tubo na dinadaluyan ng tubig-inumin.

Kaugnay nito, inatasan ni Bataan Provincial Jail Warden Margarita Pascual ang mga preso na pakuluan muna ang tubig na gagamitin sa kalusugan upang makatiyak na ligtas sa anumang sakit na maidudulot ng tubig.(Ulat ni Jonie Capalaran)

BATAAN GENERAL HOSPITAL

BATAAN PROVINCIAL JAIL WARDEN MARGARITA PASCUAL

BENEDICTO TRAJANO

BOBBY BAUTISTA

CONGRESSMAN ANTONINO ROMAN JR.

DEPARTMENT OF PUBLIC WORK AND HIGHWAYS

ERNESTO FORBES

FLOR PAJE

JONIE CAPALARAN

MARCK RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with