^

Probinsiya

Payroll ng electric cooperative tinangay ng NPA

-
DAVAO CITY – Aabot sa P.3-milyon payroll ng Davao del Norte Electric Cooperative (Daneco) sa satellite office ang iniulat na tinangay ng limang hindi kilalang armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Babak, Island Garden City ng Samal.

Ayon sa ulat, ang mga holdaper na armado ng malalakas na kalibre ng baril ay palakad na pumasok sa loob ng cashier’s office ng Daneco at kinuha ang P326,000 payroll.

Sa pahayag ng Daneco security guard, isa sa holdaper ay nagpakilalang si Kumander Roy, bago pa tumakas patungo sa bahagi ang Sitio Limao malapit sa Barangay Penaplata na kung saan ay may naghihintay na pumpboat.

Sinabi ni P/Chief Supt. Isidro Lapeña, Southern Mindanao regional police commander, masusing sinisilip ang modus-operandi ng mga holdaper kung papaano napasok ang naturang opisina at walang tatakasan dahil napapaligiran ng tubig ang isla.

Nangangalap na rin ng impormasyon ang pulisya mula sa mga residente na makapagtuturo sa mga holdaper na madalas na bumisita sa naturang isla.

Sinisilip din ng pulisya ang anggulong may kasabwat na ilang tiwaling empleyado ng Daneco ang mga holdaper kaya madaling napasok ang naturang opisina. (Ulat ni Edith Regalado)

BARANGAY BABAK

BARANGAY PENAPLATA

CHIEF SUPT

DANECO

EDITH REGALADO

ISIDRO LAPE

ISLAND GARDEN CITY

KUMANDER ROY

NEW PEOPLE

NORTE ELECTRIC COOPERATIVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with