Aide ni Janjalani nalambat
May 29, 2004 | 12:00am
Bumagsak sa pinagsanib na operatiba ng militar at pulisya ang isang notoryus na aide ni Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani na sangkot sa Lamitan siege noong Hunyo 2001 sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City kahapon ng umaga.
Kinilala ni Phil. Air Force (PAF) Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla ang nasakoteng suspek na si Hajer Sailani, alyas Akmad Hayas.
Si Hayas ay may patong sa ulong P150,000 at aide ng napaslang na si dating ASG Chieftain Abdurajak Abubakar Janjalani bago pa man ito naging taga sunod ng nakababatang kapatid ng naturang Sayyaf leader na si Khadaffy.
Ayon kay Padilla si Sailani ay nadakip ng pinagsanib na elemento ng Air Force Intelligence Operatives at ng Zamboanga City Police sa Brgy. Maasin, Zamboanga City sa pagitan ng alas-9:30-10:00 ng umaga kahapon.
Ang nasabing bandido ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Isabela City Trial Court nitong Oktubre 2002 sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest