^

Probinsiya

2 mangingisda nailigtas ng text message sa unos

-
MORONG, Bataan – Dahil sa "short messages services" (SMS) o "text" ng cellphone ay nagawang mailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, PNP-Regional Maritime Office 3 at ng ilang konsernadong residente ang dalawang mangingisda na nai-stranded sa gitna ng laot habang malakas ang ulan, alon at hangin dulot ng bagyong "Enteng" kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Insp. Noel Asis, provincial officer ng PNP-Maritime Office, kinilala ang dalawang mangingisda na sina: Randy Ruz, 30, at ang bayaw nitong si Noel Barretto, kapwa residente ng Barangay Mabayo, Morong, Bataan.

Ayon sa ulat, alas-11:45 ng tanghali noong Linggo nang mailigtas ang dalawang biktima sakay sa bangkang "Meldy Rose" sa karagatang sakop ng Morong at Subic Bay.

Napag-alaman na habang sinisikap ng dalawang biktima na mapa-andar ang makina ng bangka ay tuluy-tuloy silang pinapadpad sa malayong bahagi ng karagatan at dito na humingi ng saklolo si Ruz sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe o "text messaging" sa kanyang cellphone sa kasamahan nitong si Mark Figuerras na kasalukuyang nasa baybayin ng Subic, Zambales at mabilis namang ipinaabot sa mga kinauukulan ang insidente.

Bunga nito ay kaagad na nagsagawa ng joint rescue operation ang mga awtoridad at sa tulong na rin ng mga tauhan ng 301st Criminal Investigation and Detection Group (301st-CIDG) na siyang gumabay sa ilang kamag-anak ng biktima ng kumontak sa mga rescuers.

Dito naispatan ang mga biktima na lupaypay na nananatiling nakakapit sa bangka. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY MABAYO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JEFF TOMBADO

MARITIME OFFICE

MARK FIGUERRAS

MELDY ROSE

NOEL ASIS

NOEL BARRETTO

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with