5 'rapists' ng tinedyer,tiklo
May 20, 2004 | 12:00am
ORION, Bataan Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga kagawad ng pulisya sa pagkakadakip kahapon ng limang kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa panghahalay at pagpatay sa isang 13-anyos na tinedyer na babae noong Sabado ng gabi sa Barangay Pag-asa Wawa Orion, Bataan.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Arsenio Alipio, Archan Cotelo, Robert Temblique, Sonny Reyes, manliligaw ng biktima ng Barangay Lusungan, at Joselito Malinao ng Brgy. Pag-asa, Orion, Bataan.
Samantalang ang biktima ay nakilalang si Jho Ann de Leon, 1st year sa Bataan School of Fisheries at nakatira sa Barangay Pag-Asa Wawa, Orion.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi noong Sabado ay pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima na kasalukuyang natutulog sa kanyang kuwarto.
Dito isinagawa ng limang rapist ang maitim na balak at upang hindi madiskubre ang bangkay ng dalagita ay pinagtulungang buhatin papalabas ng bahay.
Nadiskubre ang bangkay ng biktima kinabukasan ng kanilang kapitbahay at narekober ang ginamit sa krimen na patalim at gunting.
Ang limang suspek ay pansamantalang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Pilar at sasampahan ng kaukulang kaso sa sala ni Judge Antonio Quintos ng Orion 3rd Municipal Trial Court. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am