Umawat sa nag-amok tinodas

NUEVA ECIJA – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 25-anyos na binata ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay aktong tutulong sa sariling tiyuhin para payapain ang nag-aamok na lalaki sa Sitio Kamanggahan, Barangay General Luna, Carranglan, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi. Napuruhan ang biktimang si Michael Soriano matapos na upakan ng mga hindi kilalang armadong lalaki sa tapat ng bahay ni Fernando Yabe. Base sa ulat ng pulisya, tutulong sana ang biktima sa sariling tiyuhing si Barangay Kagawad Berting Soriano upang kontrolin ang nag-aamok na anak ni Ordonia, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kinalawit ni Kamatayan si Michael. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments