^

Probinsiya

7 preso pumuga: Jailguard todas, 1 pa sugatan

-
Pitong preso ang iniulat na pumuga mula sa kanilang selda sa Barangay Alta Vista sa Ormoc noong Linggo ng hapon na ikinasawi ng isang jailguard at ikinasugat naman ng isa pa sa naganap na jailbreak.

Kabilang sa mga nakapugang preso ay nakilalang sina: Danilo Domanillo ng Barangay Tambulilid; Juanito Belaro ng Isabel, Leyte; Nicanor Sano ng Barangay Tambulilid; Rogelio Dagting ng San Isidro, Leyte na pawang may kasong murder; Allan Lepon ng Barangay San Isidro (theft); Jayson Caseño ng Barangay Sto. Niño (rape) at Arnel Lumbay ng bayan ng Isabel (illegal possession of firearms).

Kinilala ang napatay na jail guard na si SJO 4 Solomon Escalaña, samantalang sugatan naman si JO1 Armando Tambal.

Ayon kay Jail Warden Senior Inspector Manuel Chan, naisagawa ang pagpuga dakong alas-3:30 ng hapon habang papalabas na ang mga bumisitang kaanak ng mga preso.

Apat na preso ang lumapit kay JO1 Tambal na nag-iisang jailguard sa pintuang bakal ng kulungan at agad na inundayan ng apat na saksak ng patalim sa katawan at kinuha ang baril nito.

Dahil sa narinig na kaguluhan sa loob ng naturang kulungan ay nagresponde si SJI4 Escalaña na kasalukuyang nagpapatrolya, subalit sinalubong siya ng sunud-sunod na putok ng baril na inagaw ng mga preso na ikinasawi nito.

Agad na nagtungo ang mga preso sa jail armory bago kinuha ang dalawang Armalite rifles bago pumuga sa direskyon ng Barangay Sumangga at Biliboy.

Habang isinugod naman sa ospital ni JO1 Jessito Quintero ang sugatang kabaro.

Nalambat naman si Rogelio Dagting sa Barangay Biliboy makaraang magsagawa nang pagtugis laban sa pumugang preso.(Ulat ni Robert Dejon)

 

ALLAN LEPON

ARMANDO TAMBAL

ARNEL LUMBAY

BARANGAY

BARANGAY ALTA VISTA

BARANGAY BILIBOY

BARANGAY SAN ISIDRO

BARANGAY STO

BARANGAY TAMBULILID

ROGELIO DAGTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with