Mga nanalong kandidato sa Bataan iprinoklama na
May 15, 2004 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Ipiniroklama kahapon ng Provincial Comelec Officer ang Kinatawan at Limang Board Members sa Unang Distrito sa lalawigang ito bilang nanalong kandidato noong nakalipas na halalan.
Base sa talaan na nakalap ni Orlando Torres, provincial Comelec officer, ang mga nanalong kandidato ay sina: Congressman Antonino Roman Jr. ( Liberal Party) kinatawan sa Unang Distrito laban kay Gaudencio Ferrer ng Lakas CMD.
Samantalang ang mga nagwagi sa pagka Sangguniang Panlalawigan Members ay sina: Rod Salandanan; Rod Izon, correspondent ng dzMM/ABS-CBN; Papo Roman; Edwin Enrile na kapwa National People Coalition (NPC) at Orlando Miranda ng Lakas CMD.
Sa pagka-gobernador ay nananatiling nangunguna si Enrique Garcia ng Lakas-CMD na nakapagtala ng 84,385 kumpara sa botong nakuha ni NPC Rogelio Roque na nakapagtala naman 72,401 lamang mula sa 9 na bayan.
Samantalang, maging ang 10 incumbent mayor ay nakakasigurado ng panalo base na rin sa unofficial report na isinasagawang tabulation ng Municipal Election Monitoring Action Center (MEMAC). (Ulat ni Jonie

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest