Mayor inambush: 1 todas,2 sugatan
May 9, 2004 | 12:00am
Marawi City Masuwerteng nakaligtas sa ambush ang isang reelectionist na alkalde subalit minalas namang mapatay ang isa nitong security escort habang dalawa pa ang nasugatan nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa national highway ng Pualas, Lanao del Sur kamakalawa.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Sansora Bansalagan, 27, matapos masapul ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan. Ang dalawang nasugatan na agad isinugod sa isang hospital sa karatig na bayan ng Malabang ay nakilala namang sina: Abdul Nasser Bansalagan at Esmail Calauto.
Sinabi ni P/Chief Supt. Isnaji Bantala, Director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Regional Director, kasalukuyang bumabagtas sa national highway ng Brgy. Basagad ang dalawang convoy ni Pualas Mayor Ali Basher Andaman nang paulanan ng bala ng mga armadong salarin.
Sunud-sunod na pagpapaulan ng punglo ang pinakawalan ng mga suspek bago ang mga ito nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Nakaligtas sa ambush si Andaman pero napatay ang isang security escort nito at dalawa naman ang nasugatan.
Bunga nito ay nagpakalat na ng karagdagang mga tauhan sa bayan ng Pualas si Bantala upang payapain ang mainit na tunggalian ng magkakalabang partido pulitikal sa nasabing lugar.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naganap na pananambang. (Ulat ni Lino de la Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest