Ex-supporter ng NPA nilikida

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Hindi binigyan ng pagkakataong mabuhay pa ang isang 25-anyos na lalaking dating supporter ng rebeldeng New People’s Army makaraang ratratin sa sariling bahay habang nagpapahinga ang biktima kamakalawa ng hapon sa Sitio Imbudo, Barangay Jamorawon, Milagros, Masbate.

Dinukot saka binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang katawan ng biktimang si Obet Pacheco na isa ring espiya ng militar at pulisya. Napag-alaman sa imbestigasyon na ang biktima na nasa loob ng sariling bahay ay pinasok ng mga rebeldeng NPA bago kinaladkad papalayo at pinagbabaril hanggang sa mapatay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments