Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina: Ely Ely Gigante, 35, binata at Eddie Calicoy, 45, may asawa at kapwa kawani ng provincial office ng Masbate na nakatalaga sa Governors Office.
Halos may isang oras bago pa madiskubre ng mga awtoridad ang insidente dahil sa walang maglakas ng loob na ipagbigay-alam sa pulisya sa takot na madamay.
Huling namataang buhay ang mga biktima na dumalo sa pagpupulong sa Barangay Poblacion, Cawayan at magkasamang umuwi sakay ng motorsiklong Yamaha.
Bandang alas-8 ng gabi nang tambangan ang mga biktima pagsapit sa liblib na bahaging sakop ng nabanggit na barangay.
May teorya ang pulisya na may kinalaman sa pulitika ang pamamaslang sa dalawa dahil mga tauhan ng gobernador ng Masbate. (Ulat ni Ed Casulla)