^

Probinsiya

Pulis pinatay ng kabaro sa presinto

-
CAMP CRAME – Patraydor na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya ng kapwa pulis habang ang biktima ay papasok ng presinto na sakop ng Zamboanga City kamakalawa.

Walong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni SPO4 Dolrich Carroz makaraang salubungin ng suspek na si PO1 Jamil Abdulla na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal.

Napag-alaman sa ulat, na ang dalawa ay magkasama sa serbisyo sa Zamboanga police precinct 9 at pinaniniwalaang matagal nang may alitan sa isa’t isa.

Batay sa ulat na tinanggap kahapon ng Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-8:15 ng umaga sa loob ng naturang presinto.

Kasalukuyang papasok sa trabaho ang biktima nang salubungin ng suspek na nag-aalburuto sa galit at walang sabi-sabing pinutukan ng sunud-sunod ang kasamahang pulis na hindi naman nakaganti.

Agad namang dinisarmahan ang suspek at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, na nag-kimkim ng galit ang suspek sa kalabang biktima sa hindi maipaliwanag na dahilan hanggang sa magbunga ito ng kamatayan.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BATAY

CAMP CRAME

DOLRICH CARROZ

JAMIL ABDULLA

JOY CANTOS

KASALUKUYANG

LUMITAW

NAPAG

PATRAYDOR

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with