Pulis tinodas ng 2 kabaro
April 22, 2004 | 12:00am
ANTIPOLO CITY, Rizal May posibilidad na droga ang isa sa dahilan kaya binaril at napatay bago itinapon sa bangin ang isang kagawad ng pulisya ng dalawang kabaro nito habang nakaangkas sa motorsiklo sa Barangay San Luis ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si PO1 Carlo Villaroya ng Project 4, Quezon City at nakatalaga sa himpilan ng NCRPO. Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Rodel Semacio, namataan ng ilang residente na kaangkas ang biktima sa motorsiklo na tumigil saka nilapitan ng kanyang kabaro mula sa humintong kasunod na kotseng kulay puti. Hindi nagtagal ay binaril ng nakatalikod ang biktima bago pinagtulungan ng dalawang pulis na itapon sa bangin ang bangkay. (Ulat ni Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended