Army corporal dinukot, tinorture at pinatay
April 19, 2004 | 12:00am
CAMP GUINALDO Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang Army corporal habang sugatan naman ang kasama nitong Cafgu Active Auxilliary (CAA) makaraang dukutin at pahirapan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Balit, San Luis, Agusan del Sur kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktimang si Cpl. Enercito Lopez ng Armys 29th Infantry Battalion habang ginagamot naman ang sugatang si Melbert Mondejar na kapwa residente ng Sitio Kibao-an, Barangay La Suerte, Prosperidad ng naturang lalawigan.
Base sa ulat, ang mga biktima ay nalinlang ng grupong makakaliwa tungkol sa susukong rebelde kaya nagtungo sa pinag-usapang lugar.
Naitala ang insidente bandang alas-9 ng umaga makaraang harangin ng mga rebelde ang dalawang biktima na nakamotorsiklo.
Ayon pa sa ulat, dinala ang mga biktima sa liblib na bahagi ng naturang lugar saka pinahirapan at pinatay si Lopez, subalit himalang nakatakas si Mondejar na may tama ng bala ng baril sa kaliwang hita at nagsalaysay sa naganap na pangyayari.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang mga biktima ay nagtungo sa nabanggit na barangay kaugnay sa isasagawang pagsuko ng isang NPA kumander na kinilalang alyas ka Dodoy.
Gayunman, pagdating sa nasabing lugar ay hinarang ng mga rebelde ang sinasakyang motorsiklo ng dalawa at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended