^

Probinsiya

33 NPA rebels sumuko

-
Camp Aguinaldo – Dumanas ng panibagong dagok ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang 33 miyembro ng kilusan sa naganap na ‘mass surrender’ sa lalawigan ng Batangas kahapon ng umaga.

Sa ginanap na simpleng seremonya sa munisipyo ng Balayan, Batangas ay pormal na tinanggap ni Defense Secretary Eduardo Ermita ang mga nagsisukong rebelde.

"Ang grupong ito ng mga rebel returnees ay mula sa unang batch na makakatanggap ng livelihood at pinansiyal na tulong mula sa pamahalaan para makapagbagumbuhay," malugod na pagtanggap ni Ermita sa mga nagsisuko nitong kababayang naligaw ng landas matapos sumapi sa kilusan ng mga rebelde.

Nitong nakalipas na Nobyembre 18, 2003 mula sa 1st District ng Batangas na siyang pinagmulan mismo ni Ermita ay may 151 dating mga NPA red fighters ang pormal na tinalikdan ang armadong pakikibaka nang magsipagbalik-loob sa pamahalaan.

Nabatid na ang pagsuko ng nasabing batch ng mga rebelde ay bunsod ng masusing negosasyon na isinagawa ng 740th Combat Group ng 710th Special Operations Wing ng Phil. Air Force at 202nd Brigade ng Phil. Army. (Joy Cantos)

AIR FORCE

BATANGAS

CAMP AGUINALDO

COMBAT GROUP

DEFENSE SECRETARY EDUARDO ERMITA

ERMITA

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

SPECIAL OPERATIONS WING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with