Kinilala ang mga ipinagharap ng reklamo sa Antipolo City Police na sina: PO3 Arnaldo Yu, PO2 Joener Ojas at PO2 Manuel Bayeng; umanoy mga ahente rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang mga biktima ay nakilala namang sina: Danilo Siote, Wilson Ocampo, Melchor Pacubas, Elorde Malate, Bong Sabanal, Policarpio Mandal, Efren Urminita, Armando Conge at isa pa ng mga itong kasamahan sa Task Force Linis Bayan na pawang mga tauhan at supporters ni Gatlabayan na isang reelectionist.
Nabatid na mahigpit na kalaban ni Puno sa posisyon si Pining Gatlabayan, asawa ni Mayor Gatlabayan.
Base sa report ang insidente ay naganap dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Marcos highway ng lungsod habang ang mga biktima ay lulan ng Isuzu Elf na may plakang CTR-456 galing sa isang pagtitipon nang harangin at tutukan ng baril ng mga armadong suspek na lulan naman ng isang L-300 Van na may plakang UGT-128.
Agad namang nagresponde ang mga elemento ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) na nagbabantay sa isang checkpoint sa nasabing lugar matapos na mapansin ang kaguluhan at dinisarmahan ang tatlong bodyguard ni Puno. Lumilitaw sa pangunang imbestigasyon na nag-ugat ang panunutok ng baril sa pagkapikon ng mga suspek sa idinidikit na campaign posters ng mga supporters ng maybahay ng alkalde.