^

Probinsiya

Mga kandidato obligadong kumuha ng PTC sa mga rebelde

-
LEGAZPI CITY, Albay Inobliga na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga kandidato na kumuha ng permit-to-campaign (PTC) at permit-to-win (PTW) para makapangampanya sa mga barangay na kontrolado ng mga rebelde sa lalawigan ng Albay.

Ito ang pahayag ng isa sa mga kandidatong konsehal na napilitang nagsalita matapos na ipagtabuyan ng mga rebelde habang nagsasagawa ng campaign rally dahil hindi nagbayad sa mga rebeldeng NPA ng PTC at PTW.

Dahil sa kagustuhang makapangampanya ng konsehal ay nagbayad na rin ng P10,000 para sa PTC (berde) at P15,000 naman para sa PTW (dilaw) ang pinsang Tsinoy ng konsehal na tumangging ipabanggit ang pangalan.

Isa ring kandidato sa pagka-gobernador ang nagbayad na sa mga rebelde upang hindi maabala sa pangangampanya at ligtas sa anumang uri ng pananakot na isasagawa ng mga rebeldeng NPA.

Wala namang nagawa ang tropa ng militar at pulisya sa isiniwalat ng mga kandidato, maliban sa muling paalala na kailangang humingi ng tulong sa mga awtoridad para mabigyan ng escort ang mga nangangampanyang kandidato sa mga liblib na bahagi na kanilang papasukin. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

DAHIL

ED CASULLA

INOBLIGA

ISA

NEW PEOPLE

TSINOY

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with