Abogado dinedo habang nagpi-picnic
April 12, 2004 | 12:00am
NUEVA ECIJA Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 55-anyos na abogado habang ang biktima ay nagdiriwang ng Sabado de Gloria sa Rizal Dam na sakop ng Barangay Poblacion Norte, Rizal, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.
Idineklarang patay sa Dr. Segundo Servantes Clinic ang biktimang si Atty. Eulogio Castillo ng Lapuz Street, Brgy. Poblacion Norte.
Samantala tinutugis namang ng pulisya ang suspek na si Harvey Nauyao, 23, may asawa, ng Barangay Poblacion Norte ng naturang lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-2:45 ng hapon habang nagpi-picnic ang mag-anak na Castillo sa naturang lugar nang biglang dumating ang suspek na armado ng patalim.
Agad na sinunggaban ang biktima at sunud-sunod na inundayan ng saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan na ikinasawi nito.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na paghihiganti ang motibo ng krimen dahil naging defense counsel ang biktima ng pamilya Valdez na nakabanggaan sa husgado ng pamilya Mauyao.
Nabatid pa sa impormasyon na naipanalo sa kaso ni Atty. Castillo ang pamilya Valdez kaya binalikan ng suspek ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest