Regional director ng DILG kritikal sa magnanakaw
April 11, 2004 | 12:00am
Camp Crame Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang Regional Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos na pagbabarilin ng mga pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na Akyat Bahay gang na puwersahang pumasok sa kanilang tahanan sa Cotabato City nitong Biyernes Santo.
Kinilala ang biktima na si Buagas Sulaik, 56, Regional Director ng DILG 12 na dinala na sa Davao City dahilan sa maselan nitong kalagayan para gamutin matapos na mauna nang lapatan ng lunas sa Notre Dame Hospital sa Cotabato City.
Base sa report, naitala ang insidente sa tahanan ng biktima sa #10 Garcia St., RH 13 sa lungsod ng Cotabato bandang alas-3 ng madaling- araw.
Nabatid na mahimbing na natutulog ang biktima nang maalimpungatan ito sa kaluskos na nilikha ng mga suspek na puwersahang pumasok sa kaniyang tahanan sa pamamagitan ng pagwasak sa jalousy ng bintana sa kanilang kusina.
Mabilis na bumangon ang suspek para siyasatin ang pinagmulan ng ingay at paglabas nito ng silid ay naaktuhan ang mga suspek habang naghahalughog sa kanilang sala.
Bunga nito ay pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na duguang napabulagta sa insidente habang mabilis namang nagsitakas ang mga kawatan. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended