Gayunman, nabigo ang pagtatangka ng mga rebelde na sakupin ang Armys 58th Infantry Battalion (IB) Panaosawon Patrol Base na nakabase sa Bayabas dahil sa pagkaalerto ng tropa ng pamahalaan.
Sa ulat ni Armys 6th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Samuel Bagasin, bandang alas-11:50 ng gabi nang lusubin ng mga rebelde sa pamumuno ng isang alyas Ka Roy ng Front Committee 19, Northeastern Mindanao Regional Committee ang nasabing kampo ng militar.
Sa kabila ng higit na nakararaming puwersa ng mga umaatakeng kalaban ay buo ang loob na sinagupa ng tropa ng militar sa pamumuno ni Sgt. Cabarles ang mga rebelde.
Nagkaroon ng 30 minutong putukan bago tuluyang nagsiatras ang mga rebelde, bitbit ang mga nagsitakas nilang kasamahan matapos na matanawan ang papalapit na reinforcement troop ng mga sundalo.
Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng tropang gobyerno.
Sinabi ni Bagasin, na patunay lamang na higit na bihasa sa labanan ang mga sundalo kumpara sa mga kalaban kaya mabilis na nadiskaril ang nasabing pag-atake.
Idinagdag pa ni Bagasin na nakaalerto ang kanilang puwersa bunga na rin ng serye ng mga pag-atake ng mga rebelde upang palitawin na dapat katakutan ang grupo ng mga komunista. (Ulat ni Joy Cantos)