Propesor tinumba ng mga adik

CAVITE – Pinagtulungang gulpihin at saksakin hanggang sa mapatay ang isang propesor ng kolehiyo ng mga kabataang adik sa droga makaraang sitahin ng biktima ang grupo kamakalawa ng gabi sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas, Cavite. Napuruhan ang biktimang si Manuel Santos, 51, propesor sa PMMS at residente ng Mabuhay City Subd. ng nabanggit na barangay.

Sugatan naman ang tatlong kasama ni Santos na sina Tito Sullano, Ariel Hugo, at Raul Santos. Base sa imbestigasyon ng pulisya, nakasalubong ng biktima ang mga hindi kilalang kabataang adik na nag-iingay kaya pinagsabihang manahimik. May teorya ang pulisya na ikinagalit ng mga adik ang paninita ng biktima kaya nagawa nilang gulpihin at saksakin hanggang sa mapaslang. (Ulat nina Cristina G. Timbang)

Show comments