Founder ng Kilusang Kontra Komunista, 2 pa patay sa ambush
April 6, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isang abogadong nagtatag ng "KKK" at dalawa nitong alalay ang nasawi makaraang tambangan ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Iraya Sur, Oas, Albay kahapon ng umaga.
Kinilala ni AFP-Public Information Office (AFP) Chief Lt. Col. Daniel Lucero ang biktima na sina Atty. Ricardo Nepomuceno, founder ng Kilusang Kontra Komunista (KKK), S/Sgt. Pampilo Balucaza at PFC Richard Llopar.
Ayon kay Lucero, naganap ang pananambang sa mga biktima dakong alas-8:30 ng umaga habang papalabas ng sariling bahay.
Base sa imbestigasyon, ang biktima ay patungo sa paglilitis ng kasong hinahawakan nito sa RTC sa Rawis, Legaspi City nang tambangan ng mga armadong rebelde.
Nabatid na ang "KKK" ay kilalang bumabatikos sa mga illegal na aktibidades ng mga rebelde sa rehiyon na pinaniniwalaang pangunahing motibo sa paglikida kay Nepomuceno at nadamay naman sa insidente ang kanyang mga alalay.
Bago ang pamamaslang sa biktima ay nakatanggap ito ng mga pagbabanta sa kanyang buhay sa grupo ng mga rebelde.
Maliban dito, ipinupursige rin umano ni Nepomuceno ang kaso laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pananambang sa tropa ng militar. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest