Pulis at sundalo kapwa todas sa pinag-awayang lupa
April 1, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Niratrat habang nagto-tong-its sa lamay ng patay ang isang pulis at isang sundalo kahapon ng madaling-araw sa Barangay Mabayabas, Taysan, Batangas.
Kapwa napatay ang mga biktimang sina SPO3 Juanito Laguras, 52, kasapi ng Calaca police station at Master Sgt. Alfredo Exiomo, 48; nakatalaga naman sa Philippine Air Force sa Villamor Airbase, Pasay City matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hemogenes Ebdane Jr., naganap ang pamamaslang habang nakikipaglamay ang mga ito sa patay sa Brgy. Mabayabas, Taysan, Batangas bandang alas-3 ng madaling-araw.
Masayang naglalaro ng tong-its ang mga biktima nang bigla na lamang sumulpot ang di pa nakilalang mga kalalakihan at nagpaulan ng bala sa mga biktima.
Pinaniniwalaan namang may malaking koneksiyon sa awayan sa lupa ang pagpatay kay Laguras at nadamay lamang sa insidente si Exiomo.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng Taysan PNP ang kaso upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga salarin. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest