Lalaki nanlaban sa 2 karnaper,pinatay sa harap ng nobya
March 28, 2004 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Pinagpalit ng isang lalaki ang kanyang buhay sa motorsiklo matapos na barilin ng dalawang karnaper sa harap ng kanyang nobya nang manlaban ito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sahod Ulan, Tanza, Cavite.
Namatay habang ginagamot sa Tanza Family Hospital ang biktima na si Ryan Balinton, 23 anyos, binata, empleyado ng Export Processing Zone Authority (EPZA) at residente ng Brgy.Hulugan ng bayang nabanggit.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang kulay asul na Honda angkas ang kanyang kasintahan na si Rhea Maranan.
Habang binabagtas nito ang nasabing lugar ay nasalubong ng mga ito ang dalawang suspek na naka-motorsiklo na walang plaka.
Lingid sa kaalaman ng biktima na sila ay sinundan ng mga suspek, kaya nang huminto silang magkasintahan sa Villa Juanita ay agad ring bumaba ang mga suspek at sila ay tinutukan ng baril.
Nang sapilitang kunin ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima ay nanlaban ito at ayaw bitawan ang kanyang motorsiklo.
Kayat sa inis umano ng mga suspek, isa dito ay bumunot ng baril at binaril sa tiyan ang biktima kaharap ang natulalang nobya.
Nang bumagsak ang biktima ay agad na tinangay ang motorsiklo ng mga hindi pa nakikilalang salarin. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am