Mt. Resort nilusob ng NPA rebels
March 25, 2004 | 12:00am
Cagayan de Oro City Sinalakay ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang mountain resort sa bayan ng Medina, Misamis Oriental, kamakailan.
Sa naantalang ulat ng Medina Municipal Police Station, bandang alas-10 ng umaga nang sumalakay ang mga rebelde na pawang armado ng M16 at garand rifle sa mountain resort na pag-aari ng negosyanteng si Rey Reyes na matatagpuan sa Sitio Labas Pagsama, Brgy. San Isidro, Medina, Misamis Oriental.
Nabigo naman ang mga rebelde na matagpuan sa lugar si Reyes at dahil ditoy binantaan ang caretaker na si Paquito Balabas na isasabotahe ang negosyo ng nasabing negosyante kapag di nagbayad sa kanilang grupo ng revolutionary tax.
Ang sumalakay na mga rebelde ay pinamumunuan umano ng isang Commander Buyoy na aktibong nag-operate sa nasabing lugar.
Bago tuluyang nagsitakas ay binantaan rin ng mga rebelde na papaslangin sina Reyes kapag inireport sa himpilan ng militar na may 4 kilometro lamang ang layo sa lugar ang insidente.
Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa grupo ng mga tumakas na rebelde. (Ulat ni Bong Fabe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest