Kandidatong vice mayor grabe sa ambush
March 24, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang vice mayoralty candidate matapos na ratratin ng dalawang di kilalang armadong kalalakihan ang sasakyan ng biktima sa naganap na pananambang sa kahabaan ng highway ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental.
Inoobserbahan sa Medina Hospital sa Ozamis City Hospital ang biktimang si Reno Miraflor Yap Jr., may asawa, residente ng Poblacion, Sapang Dalaga ng nasabing lalawigan.
Base sa ulat, naganap ang pananambang sa kahabaan ng highway ng Rotonda Rizal, Calamba, Misamis Occidental bandang alas-6:25 ng umaga.
Nabatid na paunang imbestigasyon na ang biktima ay lulan ng kulay abong Tamaraw FX na may plakang GEL 543 kasama ang driver at isang tinukoy sa pangalang Loret para magtungo sa speaking engagement sa Sapang Dalaga nang tambangan ng mga armadong suspek.
Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan at mabilis na isinugod sa pagamutan.
Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo sa pananambang sa biktima pero matibay ang hinalang may kinalaman ito sa kanyang pagtakbong bise alkalde sa nalalapit na May 10 elections. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest