Gusali gumuho: 6 katao patay
March 19, 2004 | 12:00am
NASIPIT, Agusan del Norte Umaabot sa anim-katao ang iniulat na nasawi samantalang siyam naman ang nasugatan at sampu pa ang natabunan makaraang gumuho ang abandonadong gusali sa Barangay 4 ng nasabing bayan kahapon.
Gayunman, dalawa sa mga narekober na bangkay ang nakilalang sina Gallardo Tuburan, 13, at Rey Panotsol, 21, may asawa na kapwa residente ng Barangay Camagong ng nabanggit na bayan.
Kinilala naman ang mga biktimang sugatan na ngayon ay ginagamot sa Nasipit District Hospital na sina Krenz Malicsi, 14, ng Purok Molave, Talisay; Benjamin Yubos, 15 ng Jabonga, Agusan del Norte; Alrey Lanic, 14; Rico Librado, 15 na kapwa residente ng Tagcatong, Carmen; Kevin Alvarez, 12, ng Purok Cypress, Talisay; Cirilo Napoles, 29; Rommel Cordero, Fernando Enhoy, 46; at Rodolfo Malicsi, 48.
Patuloy naman ang search and rescue operations saloob ng gumuhong gusali na pag-aari ng Nasipit Lumber Company sa pagbabakasaling may buhay pa sa mga biktimang nakulong sa loob.
Base sa ulat, naitala ang insidente dakong alas-2:15 ng hapon habang ang mga biktima ay nangunguha ng mga bakal at iba pang mapapakinabangan sa gumuhong gusali na inabandona ng may-ari noong 1989.
Napag-alaman pa sa ulat na lalong humina ang pundasyon ng lumang gusali dahil sa ginagawang pagbabaklas sa mga bakal ng mga magbabasura kaya tuluyang bumagsak at madaganan ang mga biktima.
Nabatid pa sa ulat na ang dating gusali ay pinagkukunan ng kabuhayan ng libong residente hanggang isarado ng may-ari dahil sa tinatawag na crab mentality, labor unrest, matinding selos at lumalalang problema sa insurgency ng troso.
Tinangka naman muling buksan ang nasabing kompanya, subalit lalong tumindi problema kaya nagdesisyon ang may-ari na abandonahin ang gusali. (Ulat ni Ben Serrano at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Jorge Hallare | 17 hours ago
Recommended