^

Probinsiya

Barangay chairman, itinumba

-
CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang brgy. chairman ng hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang galamay ng mga kalaban nito sa pulitika sa naganap na madugong insidente ng Cotabato City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Usup Sonsora, at residente ng Brgy. Matingin, Sultan Kudarat, Pendatun, Maguindanao.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., naganap ang pamamaslang sa harapan ng bargain center sa panulukan ng Don Rufino Alonzo at Bonifacio St. sa Cotabato City bandang alas-11:50 ng gabi.

Nabatid na kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga armadong lalaki.

Armado ng cal .45 baril ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima habang nakatalikod.

Matapos maisagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang direksiyon.

Agad namang isinugod sa Cotabato Medical Specialist Hospital ang biktima, subalit ito’y ideneklarang patay ng mga manggagamot.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon at follow-up operations ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang mga salarin. (Ulat ni Joy Cantos)

BONIFACIO ST.

CHIEF P

COTABATO CITY

COTABATO MEDICAL SPECIALIST HOSPITAL

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

DON RUFINO ALONZO

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with