Lolo tinodas ng pamangkin
March 16, 2004 | 12:00am
IMUS, Cavite Isang 53-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang paluin ng matigas na kahoy sa ulo ng sariling pamangkin dahil sa mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Barangay Silangan, Naic, Cavite. Idineklarang patay sa Naic Hospital ang biktimang si Memencio Molina, samantalang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Melvin Molina ng Villa Apolonia ng nabanggit na barangay.
May teorya ang pulisya na nagalit ang suspek sa matanda sa hindi nabatid na pagtatalo kaya nagawang paluin ng kahoy sa ulo na ikinasawi nito. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
May teorya ang pulisya na nagalit ang suspek sa matanda sa hindi nabatid na pagtatalo kaya nagawang paluin ng kahoy sa ulo na ikinasawi nito. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest