^

Probinsiya

4 kampo ng NPA rebs nakubkob

-
CAMP AGUINALDO – Apat na kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nakubkob ng tropa ng militar sa magkakahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Surigao del Sur, Compostella Valley, Davao Oriental at Northern Samar, ayon sa ulat kahapon.

Sa nakalap na report sa tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Efren Abu, bandang alas-9 ng umaga nang mapasakamay ng mga elemento ng Ready Deployment Force (RDF) ng 28th Infantry Battalion ang kampo ng mga rebelde sa bisinidad ng Lingig, Surigao del Sur. Ang nasabing kampo ay binubuo ng 20 bunkers na may mga kahoy na kama at maaring pagkasyahan ng 50 katao.

Sumunod na nakubkob ang malaking kampo na kayang umokopa ng 20 rebelde sa bisinidad ng Mt. Diwata, Monkayo.

Habang nagsasagawa ng patuloy na combat operations ay nadiskubre naman ang isa pang kampo ng NPA sa Simulao, Boston, Davao Oriental.

Sa isa pang operasyon, nakubkob ng mga tauhan ng Charlie Company ng Army’s 63rd Infantry Battalion ang itinuturing na main camp ng mga rebelde habang sinusuyod ang liblib na lugar sa Brgy. San Francisco Las Nievas, Northern Samar. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMY CHIEF LT

CHARLIE COMPANY

COMPOSTELLA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

EFREN ABU

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MT. DIWATA

NORTHERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with