^

Probinsiya

Mga mamumuhunan sa Cavite tiwala pa rin kay Gob. Maliksi

-
IMUS, Cavite — Nagkibit balikat lang si Cavite Governor Ayong S. Maliksi sa paratang ni dating Cavite Governor Epimaco Velasco na "poor and inefficient" ang kasalukuyang administrasyon kaya’t wala nang pumasok na mga negosyante sa lalawigan.

Kaugnay nito, binansagan din ni Maliksi si Velasco na ‘extortionist’ matapos humingi ng ilang milyon ang dating gobernador kay Maliksi kapalit ng hindi nito pagtakbo sa pagkagobernador sa darating na Mayo 10, 2004, nasyunal at lokal na eleksiyon, kaya gumawa ito ng isyu laban kay Maliksi.

"Oo" poor and inifficient ang Cavite but during his (Velasco) time dahil napakaraming natatakot na negosyante sa pamamalakad ni Epi subalit sa kasalukuyan ay patuloy ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa lalawigan sa kabila ng krisis pang ekonomiya na dinaranas natin "Tugon ni Maliksi sa paratang ni Velasco.

Bilang patunay ani ni Maliksi dito sa lalawigan itinayo ang P2 bilyong investment ng Hormel Food Corp. sa bayan ng Gen. Trias, ang multi-bilyon ding halaga ng investment Intel Corp. isa sa pinakamalaking Information Technology (ITC) Company sa buong mundo.

Halos lahat ng lokal na opisyales ng pamahalaan sa 20 bayan at 3 siyudad sa Cavite, kakampi man o kalaban sa partido ay kaalyado ko sa pagpupursigeng mapabuti ang kalagayan ng kabuhayan ng ating kababayan hindi lang naman pulitika ang basehan ng samahan kundi pagkakaibigan at tapat na pakikisama kung pulitika ang paiiralin ay walang mangyayari sa atin" dagdag pa ni Maliksi.

BILANG

CAVITE

CAVITE GOVERNOR AYONG S

CAVITE GOVERNOR EPIMACO VELASCO

HORMEL FOOD CORP

INFORMATION TECHNOLOGY

INTEL CORP

KAUGNAY

MALIKSI

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with