^

Probinsiya

3 sibilyan dedo sa sunog

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tatlong sibilyan ang kumpirmadong nasawi makaraang lamunin ng apoy ang 80 kabahayan sa San Pedro, Laguna noong Sabado ng gabi, ayon sa ulat ng kahapon.

Kinilala ng San Pedro Fire Department ang mga biktimang natusta sa sunog ay sina Flor Anne Encinas, Divina Encinas-Apostol at ang tatlong taong gulang na batang lalaking si Dagul.

Ayon kay Fire Officer 1 Rosauro Pagkalinawan, bandang alas-10:45 ng gabi ng magsimula ang apoy sa bahay ni Wilfredo Frias bago mabilis na kumalat sa kalapit bahay hanggang sa lamunin ng apoy ang magkakadikit na kabahayan na matatagpuan sa Magsaysay Road.

Nabatid pa kay Pagkalinawan, nahirapan ang mga nagrespondeng pamatay-sunog na apulahin ang kumakalat na apoy dahil sa masikip ang kalsada sa pinagmulan ng sunog.

Anim na fire trucks mula sa San Pedro ang rumesponde at pinaniniwalaan naman aabot sa P2 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYON

DIVINA ENCINAS-APOSTOL

FIRE OFFICER

FLOR ANNE ENCINAS

MAGSAYSAY ROAD

ROSAURO PAGKALINAWAN

SAN PEDRO

SAN PEDRO FIRE DEPARTMENT

WILFREDO FRIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with