^

Probinsiya

53 barangay sa Caraga namimiligro sa halalan

-
BUTUAN CITY – May posibilidad na magiging pangunahing banta sa halalan ang permit-to-campaign ng mga rebeldeng New People’s Army para mamiligro ang 53 barangay sa Caraga, ayon kay Caraga Police Regional Director Alberto Rama Olario.

Sinabi pa ni Olario na kinakailangan remedyuhan ang peace and order ng tatlong barangay sa Agusan del Sur at isa sa Surigao del Sur, samantalang ang nalalabi pang 50 barangay ay nanatiling inoobserbahan.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Olario na ang 53 barangay sa Caraga na isailalim sa tinatawag na peligrosong lugar ay base na rin noong nakalipas na 2001 elections na nagkaroon ng mga karahasang iniuugnay sa halalan.

"Pero patuloy na inoobserbahan ng pulisya ang mga kaganapan sa araw-araw base na rin sa ebalwasyon ng mga awtoridad."-dagdag pa ni Olario.

Sa pahayag naman ni Atty. Rolando Edayan, Agusan del Norte Comelec officer, nanatiling pangunahing banta ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at ang ikalawa ay ang namumuong tensyon sapagitan ng magkakalabang partido politika.

Kabilang sa mga barangay na posibleng maging peligrosong lugar sa darating na halalan ay ang barangay sa Surigao City, dalawa sa Gigaquit, Surigao del Norte, 25 naman sa 10 bayan sa Agusan del Sur, 16 sa 10 bayan sa Surigao del Sur.

Maging ang 3 barangay sa tatlong bayan sa Agusan del Norte at isa sa Butuan City ay kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ng militar at pulisya. (Ben Serrano)

AGUSAN

BARANGAY

BEN SERRANO

BUTUAN CITY

CARAGA

CARAGA POLICE REGIONAL DIRECTOR ALBERTO RAMA OLARIO

DEL

NEW PEOPLE

OLARIO

SURIGAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with