Lungsod sa Isabela, lulusubin ng NPA
February 25, 2004 | 12:00am
ILAGAN, Isabela Kasalukuyang minamatyagan ng pulisya at militar ang isa sa malaking bayan sa Isabela makaraang makatanggap ng impormasyon na lulusubin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa darating na halalan.
Ito ang ibinulgar kahapon ni P/ Sr. Insp. Juancho Alloba, Ilagan police chief matapos na makipagpulong sa mga opisyal ng regional office at dalawang press corps tungkol sa preparasyon ng seguridad sa darating na May elections.
Napag-alaman kay Alloba na noong Linggo ay namataan ang 15 armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa kagubatang sakop ng Barangay Ballakong at Sta. Victoria.
Ang dalawang nabanggit na barangay ay pinaniniwalaang kontrolado ng rebelde partikular na ang Sindon Bayabo, Bintakan at Brgy. Fuyu.
Sinabi pa ni Alloba na positibong mga NPA nga ang gumagala sa nasabing kagubatan at posibleng nagbabalak na maghasik ng karahasan sa Ilagan sa darating na halalan. (Lito Salatan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended