8 pulis todas sa ambush ng NPA
February 18, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Walong kagawad ng pulisya ang iniulat na nasawi, samantalang apat ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang mga biktima sa hangganan ng Barangay Bangad, Milagros at Barangay Tolda, Mandaon, Masbate kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang mga napatay na biktimang sina P/Inspector Santiago Tacorda Jr., SPO2 Rodrigo Almoguera, SPO1 Antonio Capili, PO3 Victor Natural, PO3 Lito Gomez, PO3 Moises Azares, PO3 Bernardino Alegre at PO2 Erich Oliver Sinogba na pawang miyembro ng 506th PPMG na nakabase sa Masbate.
Kabilang naman sa nasugatan ay sina SPO1 Gerardo Banzuela, SPO4 Emelio Carpio, SPO1 Wilfredo Ajero at PO3 Armando Habibon.
Ayon sa ulat, naitala ang insidente bandang alas-2 ng hapon matapos na rumesponde ang mga tauhan ng 506th PPMG at 5th Scout Ranger ng Phil. Army sa Barangay Balud dahil sa pagkakapatay sa barangay chairman.
Napag-alaman na tinaniman ng bomba ang daanan ng mga awtoridad para maantala ang pagdating ng mga biktima sa naturang lugar at maisagawa ang pananambang.
Nagawa naman pakipagpalitan ng putok ang mga nakaligtas na pulis at militar kahit na sugatan hanggang sa magsiatras ang mga rebelde dahil sa natunugang may rumespondeng tropa ng militar. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended