Killer sa mag-asawang negosyante nasakote
February 18, 2004 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Naaresto na ng pulisya ang dalawa sa tatlong suspek na nanloob sa bahay at pumatay sa mag-asawang negosyante sa barangay San Rafael ng bayang ito.
Kinilala ni Supt. Dominador Penid, hepe ng Rodriguez police ang mga suspek na sina Freddie Ginto, 29, obrero, residente ng Cainta, Rizal at Crisologo Agapay, 32, electrician, residente ng Caloocan City, pinaghahanap pa ng pulisya ang ikatlong suspek na nakilala lamang sa alyas na Jun.
Sa ulat, naaresto ang mga suspek dakong ala-1 ng hapon sa construction site sa Eastwood Greenview Subdivision ng nasabing barangay makaraang ituro ng isang di nagpakilalang saksi na ang mga ito ang responsable sa pagpatay kina Romero, 75 at Pastora Quesea, 73, sa kanilang bahay sa nasabi ding subdivision noong Pebrero 12 dakong alas-7:30 ng gabi.
Inamin naman ni Agapay na kasama siya ng mga suspek subalit tumayo lamang umano siyang look-out at sina Ginto at Jun lamang ang pumasok sa bahay ng mag-asawa. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest