^

Probinsiya

2 estudyante todas sa road mishap

-
ANTIPOLO CITY – Dalawang estudyanteng lalaki ang kumpirmadong nasawi makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa malaking tindahan na sakop ng Barangay Dalig ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon. Kapwa idineklarang patay sa Antipolo Doctors Hospital ang mga biktimang sina Bernardo Agustin, 20 ng Kenedy St., Cuesta Verde Subd., Antipolo City at John Christian Francisco, 20 ng Grand Valley Subd., Angono, Rizal. Naitala ng pulisya ang aksidente dakong alas-11:50 ng gabi matapos na mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo (VF-2353) saka sumalpok sa Reyes Hardware and Construction Supply. (Ulat ni Edwin Balasa)
Makikipag-Date Natodas
GAPAN CITY – Hindi na nakuhang makipag-date ng isang 22-anyos na binata sa kanyang kasintahan makaraang maipit ng dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Bucana, Gapan City kamakalawa ng umaga. Binawian ng buhay sa Good Samaritan Hospital ang biktimang si Ryan Jimenez ng Barangay Sto. Niño, samantalang kinasuhan naman ang drayber ng Baliwag Transit Bus (CVA-792) na si Jonathan Toledo ng Brgy. Buga, San Miguel, Bulacan.Naitala ng pulisya ang aksidente dakong alas10:25 ng umga habang papasakay ng bus ang biktima patungo sa naghihintay na kasintahan subali’t naipit ng katabing bus (NYM-375). (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Pinaalis Na Mayor Ibinalik Ng Comelec
IMUS, Cavite – Iniutos kamakalawa ng Commision on Elections (Comelec) na ibalik sa puwesto bilang alkalde ng Imus, Cavite si Eng. Homer Saquilayan ng Partido Magdalo kapalit ni Oscar "OJ" Jaro ng Lakas-CMD na iniluklok ng Department of Interior and Local Government (DILG). Si Jaro na nakaupo sa opisina ng munisipyo nang makatanggap ng tawag na nagpalabas ng kautusan ang Comelec 1st Division ng "status qou" at temporary restraining order (TRO) na nag-aatas na bakantehin ang naturang puwesto para makabalik si Saquilayan. Napag-alaman pa na sina Comelec Commissioner Rufino B. Javier, Commissioner Resurreccion Borra at Virgilio Garcilliano ang gumawa ng kautusan na nag-aatas kay Judge Lucenito Tagle ng Imus RTC Branch 20 na ipawalang bisa ang naging desisyon ni Executive Judge Dolores Espanol na iluklok na mayor si Jaro idineklarang nanalo sa huling bilangan noong Disyembre 17, 2003 laban kay Saquilayan.

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO DOCTORS HOSPITAL

BALIWAG TRANSIT BUS

BARANGAY BUCANA

BARANGAY DALIG

BARANGAY STO

BERNARDO AGUSTIN

CAVITE

CHRISTIAN RYAN STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with