Mister patay, misis grabe sa taga ng tatlong katao
February 4, 2004 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Maagang kinalawit ni Kamatayan ang isang barangay tanod habang ang asawa nito ay malubhang nasugatan makaraang pagtulungang pagtatagain ng tatlong senglot sa Barangay Mascap Proper ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Animoy kinatay na hayop ang mga biktimang sina Edison Manlapaz, 47, samantalang ginagamot naman sa Amang Rodriguez Hospital si Adoracion Manpalaz, 38-anyos na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Tinutugis naman ang mga suspek na sina Edgar Mahinay, Elmer Mahinay at Emong Mahinay na pawang kapitbahay ng mag-asawa. Naitala ng pulisya ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi matapos na sitahin ni Edison kasama ang asawa sa pinag-iinuman ng tatlo kaya naganap ang pamamaslang. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest