^

Probinsiya

Drayber tinodas ng PDEA agent

-
CAINTA, Rizal – Binaril at napatay ang isang 26-anyos na drayber ng kaibigang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang mapagkamalang kaaway sa Barangay Sto. Domingo ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Reiner Cruz ng 15 Telstart St., Village East Subdivision ng naturang lugar.

Tinutugis naman ang suspek na si PO2 Rogelio Hernando, kaibigan at kapitbahay ng biktima sa nabanggit na barangay.

Naitala ng pulisya ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa bahay ni Eleonor Aguillon sa 205 Village East Subdivision.

Ayon sa ulat, magkasamang nag-iinuman ang suspek at biktima sa bahay ng isang alyas Bong.

Dahil pawang lango na sa alak ay napagtripang suntukin ni Bong ang pamangkin ng suspek saka mabilis na tumakas.

Agad namang hinabol ng dalawa si Bong patungo sa bahay ni Aguillon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang bumukas ang bintana at dumungaw ang biktima.

Sa pag-aakalang kalaban si Cruz ay biglang pinutukan ng suspek sa kaliwang dibdib hanggang sa lumantad sa liwanag at nagulat na lamang si Hernando na kaibigan nito ang napuruhan.

Mabilis namang isinugod sa ospital ang biktima ng suspek bago tumakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Edwin Balasa)

AGUILLON

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BARANGAY STO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDWIN BALASA

ELEONOR AGUILLON

REINER CRUZ

ROGELIO HERNANDO

TELSTART ST.

VILLAGE EAST SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with