^

Probinsiya

Smart cell site sinabotahe ng NPA

-
CAMP AGUINALDO – Sinabotahe ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang cell site ng Smart sa panibagong insidente ng karahasan sa Sipocot, Camarines Sur, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, bandang alas-8 ng gabi nang isabotahe ng mga rebelde ang cell site ng Smart Telecommunications sa bisinidad ng Brgy. Villazar, Sipocot, ng nabanggit na lalawigan.

Base sa imbestigasyon, nagawang pasukin ng mga rebelde ang compound ng Smart sa pamamagitan ng pagwasak sa padlock ng unahang pintuan nito.

Kabilang sa winasak ay ang mga kagamitang pangkomunikasyon matapos putulin ang koneksyon ng ‘main switch’ ng cell site.

Hindi naman nasaktan ang tatlong guwardiya na nagbabantay sa nasabing cell site dahil nasa labas ang mga ito nang maganap ang pananabotahe.

Pinaniniwalaan namang ang insidente ay may kinalaman sa pangingikil ng revolutionary tax ng mga rebelde sa pangasiwaan ng nasabing kompanya.(Ulat nina Joy Cantos at Ed Casulla)

CAMARINES SUR

CHIEF LT

DANIEL LUCERO

ED CASULLA

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SIPOCOT

SMART TELECOMMUNICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with