Pulis tigok sa pakikipaglaro ng baril-barilan sa anak
January 25, 2004 | 12:00am
Camp Crame Trahedya ang kinahinatnan ng pakikipaglaro ng isang opisyal ng pulisya ng baril-barilan sa kaniyang anak na batang lalaki matapos na aksidente nitong makalabit ang gatilyo ng kanyang baril na siyang tumapos sa kaniyang buhay sa Sto. Niño, South Cotabato kamakalawa.
Dead-on-the-spot sa isang tama ng bala sa sentido ang biktimang kinilalang si SPO2 Edwin Pagdatu, 45-anyos, Station Commander ng Police Kababayan Center na nakabase sa Sto. Niño ng nasabing lalawigan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipaglaro ang biktima sa kaniyang anak ng baril-barilan gamit ang service firearm nito na lingid sa kaalaman ng biktima ay may natitira pang isang bala.
Itinutok umano ng biktima sa kaniyang sentido ang baril at saka kinalabit kung saan isang malakas na putok ang narinig sa lugar na siyang kumitil sa buhay nito.
Nabatid pa na nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang itutok nito ang kaniyang 9mm pistol sa kanang sentido. Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso. (Ulat ni Angie de la Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest