Vice mayor nilikida ng NPA
January 21, 2004 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang bise alkalde ng Quezon matapos tambangan ng mga di-pa nakikilalang armadong kalalakihan sa naganap na karahasan sa Quezon kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Quezon PNP director P/Sr. Supt. Leo Kison, iniimbestigahan na nila ang nangyaring pananambang sa biktimang si Bordeos Vice Mayor Eduardo "Eddy" Durante, kasapi ng Liberal Party.
Sinabi pa ni Kison na mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang pangunahing suspek sa pagpaslang sa biktima habang hindi rin inaalis ang posibleng may anggulong pulitika sa pagpatay sa biktma.
Base sa ulat, naganap ang pananambang sa biktima dakong alas-4:30 ng madaling-araw habang papasakay ng bangka sa baybaying-dagat na sakop Brgy. Anawan, Pulilio patungong Lucena City.
Bigla na lamang sumulpot ang walong armadong kalalakihan sa kinaroroonan ng biktima na agad nilang pinagbabaril.
Hindi naman nagbigay ng anumang komento si Kison sa ulat hinggil sa umanoy pagkakasangkot ng biktima sa illegal na operasyon ng droga kung kaya nilikida ito ng mga rebelde bilang kaparusahan.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng M16 rifle at .45 caliber pistol. (Ulat nina Joy Cantos, Arnell Ozaeta, Tony Sandoval at Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest