2 sundalo patay sa ambush
January 20, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dalawang kawal ng Phil. Army ang nasawi matapos tambangan ng apat na armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng Muslim sa naganap na insidente sa Baloi, Lanao del Norte, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Technical Sgt. Junio at Pfc. Lacorte, pawang kasapi ng Armys 26th Infantry Battalion (IB).
Batay sa ulat na tinanggap kahapon ni Armed Forces of the Phils. (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, ang pananambang ay naganap sa kahabaan ng Baloi Bridge, Poblacion sa bayan ng Baloi ng nasabing lalawigan dakong alas-5 ng hapon.
Nabatid na ang mga biktima ay kapwa naka-sibilyan at magkaangkas sa motorsiklo na kasalukuyang bumabagtas sa nasabing lugar nang pagbabarilin ng mga rebelde.
Bunga ng sorpresang pag-atake ng mga rebelde ay kapwa tumilapon sa motorsiklo ang mga biktima.
Pagbagsak sa lupa ay nilapitan pa ang mga ito at muling pinagbabaril para siguruhing patay na.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen at naglunsad na rin ng malawakang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pamamaslang.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest