^

Probinsiya

Mastermind ng kidnap gang timbog

-
Camp Crame – Matapos ang halos anim na taong pagtatago sa batas, nadakip ng mga awtoridad ang isang itinuturong mastermind ng kidnap-for-ransom (KFR) gang na nagplano ng pagdukot sa mag-asawang Chinese trader sa Marikina City nang matunton ang pinagtataguan nito sa Escalante, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Pedro Mabansag, umano’y tiyuhin ng mga convicted kidnapper na sina Roberto Lara at Roderick Licayan na nakatakdang isalang sa death chamber sa Enero 30 ng taong ito.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) Chairman Angelo Reyes, ang suspek ay nadakip ng pinagsanib na elemento ng Negros Occidental Provincial Police Office (PPO) at Bacolod City Police dakong ala-1:00 ng madaling araw sa may Sitio Lanipia, Brgy. Magsaysay, Escalante ng nasabing lalawigan.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest matapos planuhin ang pagdukot sa mag-asawang Joseph Thomas at Linda Co na nabiktima ng naturang KFR gang noong 1998.

Base sa report, simula umano ng dukutin ang mag-asawang may-ari ng isang kilalang restaurant sa Marikina City ay nagsimula ng magtago sa batas ang suspek.

Nabatid na ang suspek ay nahuli matapos ituro ng mga residente sa isang liblib na lugar na kilalang balwarte ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang mahuli ang anim pang nakatakas na kasamahan ni Mabansag. (Ulat ni Joy Cantos)

BACOLOD CITY POLICE

CAMP CRAME

CHAIRMAN ANGELO REYES

ESCALANTE

JOSEPH THOMAS

JOY CANTOS

LINDA CO

MARIKINA CITY

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with