Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, may bagong anggulong tinitingnan ngayon ang militar sa pambobomba dahil maaaring kagagawan ito ng mga terorista maliban sa naunang lumutang na motibong pulitika.
Una rito, lumutang ang anggulong pulitika sa pambobomba dahil katatapos lamang magtalumpati ni Parang Mayor Vivencio Bataga, kabilang sa mga sugatan sa liga ng basketball sa kanilang lugar ng maganap ang pagsabog. Nabatid na ito ang ikaapat na pagtatangka sa buhay ng alkalde.
Ayon kay Abaya, hindi maaaring ipagsawalang bahala ang anggulo ng terorismo sa insidente dahil walang piniling target ang mga terorista maging Muslim ay konektado sa ilang pulitiko sa lugar na mahigpit na kalaban ni Mayor Bataga.
Gayunman, tumanggi si Senga na tukuyin ang pagkakakilanlan ng nasabing mga pulitiko dahil baka makagulo lamang ito sa kanilang imbestigasyon.
Ayon kay Senga, mayroon umano silang testigo na nagturo sa apat na suspek na may kagagawan sa pagpapasabog.
Aminado naman si Senga na mas pinagtutuunan ng mga imbestigador ang anggulo ng pulitika sa kaso dahilan maraming beses ng pinagtangkaan ng kanyang mga kalaban ang buhay ng naturang alkalde.(Ulat ni Joy Cantos)