3 informer minasaker ng NPA rebels
January 5, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang informer ng militar at pulisya ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa naganap na madugong insidente sa Butuan City kamakalawa.
Ang mga biktimang sina Michael Lagare, 20; Isagani Lagare, 29 at Walter Rigor, pawang residente ng Brgy. Maguinda ng lungsod ay dead on the spot sa insidente matapos matadtad ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi habang magkakasamang umiinom ng tuba (coconut wine) ang mga biktima sa bahay ng kaibigan nilang si Cesar Lao nang biglang sumulpot ang dalawang rebelde na pawang nakasuot ng fatigue pants, kulay itim na jackets at lousy caps.
Armado ng malalakas na kalibre ng baril ay walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.
Sinabi pa sa ulat na bago tuluyang nagsitakas ang mga suspek ay siniguro muna ng mga ito na patay na ang mga biktima.
Pinaniniwalaan namang aktibong pagsuporta ng mga biktima sa pinalakas na insurgency campaign ng pamahalaan ang motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest