Magsasaka pinugutan ng ulo, inihaw at kinain ng praning
January 4, 2004 | 12:00am
Rodriguez, Rizal Kagimbal-gimbal ang sinapit na kamatayan ng isang 47-anyos na magsasaka matapos itong pugutan ng ulo na inihaw at kinain pa ng isa nitong kapitbahay na may diperensiya sa pag-iisip sa naganap na insidente sa bayang ito noong Biyernes ng madaling araw.
Ang biktima na tinuhog pa ang inihaw na ulo ay nakilalang si Mario Balbon, biyudo, residente ng Sitio Catmon, Brgy. San Rafael ng bayang ito.
Agad namang naaresto ang suspek ng mga nagrespondeng elemento ng pulisya na kinilalang si Wilson Canjo, 27-taong gulang, umanoy isang kilalang sintu-sinto sa kanilang lugar.
Sa ulat ni P/Supt. Dominador Penid, hepe ng Rodriguez Police, puwersahan umanong pinasok ng suspek na may dalang matalim na itak ang bahay ng biktima na nagkataong nag-iisa lamang sa mga oras na yaon dakong alas-11:45 ng gabi.
Bigla na lamang umanong tinaga sa ulo ng suspek ang natutulog na biktima na tumalbog ang natagpas na bahagi ng katawan.
Tinuhog umano ng mistulang cannibal na suspek ang ulo ng biktima at tinusok sa isang bakal, inihaw at ng maluto ay kinain.
Ilang mga kapitbahay naman ang nakakita sa suspek habang iniihaw ang ulo ng biktima kayat agad ang mga itong humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Nasa aktong nilalapa ng suspek na wala sa sariling katinuan ang ulo ng biktima ng abutan ito ng mga awtoridad.
Base sa rekord, ang suspek ay minsan ng ipinasok sa Mental Hospital noong Hulyo 1996 subalit inilabas din noong Oktubre 1 ng nasabing taon sa pag-aakalang magaling na ito.
Nang tanungin ng pulisya ay sinabi ng suspek na namumulutan lamang umano siya ng nahuli niyang kambing. Kasalukuyan nang nakapiit sa detention cell ng Rodriguez Police ang suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended