Batang Tsino nasagip, kidnaper tiklo
December 31, 2003 | 12:00am
Matapos ang 28-araw na pagkakabihag, nailigtas ng mga operatiba ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) ang batang lalaking anak ng mag-asawang negosyanteng Tsino sa isinagawang operasyon kahapon ng umaga sa Calamba City, Laguna.
Kasabay nito ay nasakote naman ang isa sa mga kidnaper na si Wyte Patrana.
Kinilala ni NAKTAF Chief Angelo Reyes ang nasagip na biktima na si Gian Jethro Chua, dalawa at kalahating taong gulang; anak ng mag-asawang Henry at Bathalame Chua, may-ari ng Legacy Aluminum Glass Supply.
Ayon kay Reyes, dakong alas-8:45 ng umaga nang lusubin ng pinagsanib na elemento ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) ng PNP, Anti-Crime Task Force (ACTAF) ng AFP at ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang pinagkukutaan ng mga kidnaper sa Pamana Homes Subdivision, Brgy. Bukal, Calamba City.
Ang raid ay isinagawa matapos ang masusing surveillance operations sa lugar na pinagtataguan ng mga kidnaper.
Magugunita na ang biktima ay dinukot ng anim na armadong suspek noong Disyembre 2, 2003 habang lulan ng Isuzu Crosswind na may plakang WEX 326 sa kahabaan ng Susana Heights Exit, Muntinlupa City.
Nauna namang humingi ng P50 milyon ransom ang mga kidnaper sa pamilya ng bata kapalit ng kalayaan nito.
Nagpasalamat naman ang pamilya Chua kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkakasagip sa biktima. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended